Home > Uncategorized > Gintong tulay

Gintong tulay

Dear Ate Mabz,

Kumusta. Katulad ng nabanggit ko sa yo, susubukan kong isulat sa mga pahinang ito ang mga saloobin, opinyon, himutok, at kung minsan ay ang mga walang kwentang bagay na madalas lumalangoy lamang sa aking isip. Hindi naman kasi ako ganon ka-expressive pagdating sa mga personal na bagay. Kadalasan nga ay itinatago ko ang mga ito at sinasabi ko na lamang na pagod na akong magkwento. Wag ka, ang hubad na katotohanan ay wala naman akong napagsasabihan. Medyo madrama rin kasi akong tao. Madami akong ka-sentihan na maaaring hindi nyo maintindihan. Isa pa, alam ko din naman sa sarili ko na may tendency akong dumaldal nang sobra at detalyado.

Naaalala ko tuloy nung ako ay highschool. Sinubukan kong magtago ng isang dyurnal. Dyurnal daw kasi lalake ako at diary naman para sa mga babae. First year ako noon. Required ang buong klase na magpasa ng talaan ng mga pangyayari sa kanilang buhay habang Christmas vacation.

Noon pa man, siguro may pagka-creative writer na talaga ako o sadya lamang tamad. Yung halos tatlong linggong entry ko kasi sa aking assignment ay nagawa ko ng isang upuan sa bisperas pa ng pasukan.

Tanda ko pa din yung maliit na libro na aking sinulatan. Kulay brown ang pabalat at ang tatak ay Golden Gate. May Golden Gate Bridge nga naman na naka-drowing sa unahan. Habang ang mga kaklase ko ay may kandado pa ang mga makukulay na dyurnal at diary, tamang lastiko lamang ang aking gamit. Ipapasa lang naman yun kay sir. Halleer!

At dahil nga nagmamadali o cramming ang aking ginawa, mababa ang nakuha kong marka. Hindi pa kasi uso ang twitter e yun na ang ginawa kong istilo. Buti na lang at analog pa lamang ang mga cellphone noon. Kung hindi baka tipong mga SMS na diskarte ang aking naipasa. “Dec. 16 — Gling kmi sa Smbng Gbi pro AM un.” “Dec. 17 – Gumcng, eat, sleep, tambay den saw my crush… in my DreAms. LOL” “Dec. 18 – Same old, same old.. pls see previous page.”

Naitanong ko tuloy sa aking sarili: Bakit nga ba nagtatala ng talambuhay ang mga tao? Ito ba ay upang panularan ang mga halimbawang kanilang nagawa? E paano kung hindi naman siya sikat kundi sikatsupoy lamang? Yun bang tipong hindi naman sya bayani o wala namang kakaiba sa kanyang buhay. Ito ba ay upang meron lamang siyang maiwanan?

Sabi kasi ng isang paham, tatlo lamang daw ang kailangang matupad ng isang lalake at pwede na syang mamatay. Una, ang magkaroon sya ng anak na lalake upang magpakalat ng kanyang lahi. Pangalawa, ang makapagtanim sya ng kahit isang puno. Ang pangatlo, ang makapagsulat ng libro. Kung titingnan ang mga ito, legacy ang dapat iwanan. Tama nga naman ito para sa isang mundong madaling makalimot at ang lahat ay panandalian.

Ngayon ko lang tuloy naisip. Malalim pala ang simbulo noong tulay sa harap ng mumurahin kong dyurnal. Kung iisipin mo kasi, ang buhay ay parang tulay. Isa itong paglalakbay upang makarating ka sa kung anumang maaaring patunguhan. Sa kabila ng pampang, hindi natin alam kung ano ang ating aabutan.

Ngunit ano nga ba ang kabuluhan ng mga nilalang na isa lamang tuldok sa kalawakan?

Hindi ko alam.

Ang alam ko lamang, narito ako. May hirap, may sarap. May tamis, may pait. May tawa, may luha. May comedy at may drama.

Mapalad siguro tayo kasi nararanasan natin ang mga bagay na ito.

Hanggang sa muli,

Bitter Ocampo

Advertisements
Categories: Uncategorized Tags: , ,
  1. cielo
    December 17, 2009 at 12:52 am

    ang galing naman ng pagkakasulatan sobrang malaman kuwaaa bitter… aababgan ko pa ang iba pamng isusulat mo ako number 1 na tangahanga mo este tagahanga mo… habang binabasa ko to seryoso ang laman pero napapahagalpak ako ng tawa tuloy mo lang yan ilabas lahat ng angst sa buhay waaaaaaaaaahhh tuloy lang ang buhay :))

    • December 19, 2009 at 4:07 pm

      @cielo – ey, salamat po sa pagbisita. sisikapin kong patawanin ka uli ng mga misadbentyurs ko. para kang lasing sa mga typo ah hehehehe

  2. John Ryan Recabar
    December 19, 2009 at 7:06 am

    bitter,

    may ganoon din akong notebook. ito ba ang kulay brown na may picture ng golden gate of san francisco. teacher kasi ang nanay ko sa ingles. hinihingi ko sa kanya ang mga pahinang hindi nasulatan ng kanyang mga estudyante pagkatapos ay tintahi ko sila upang gawing notebook ko. at yon nga, napili kong pabalat ang larawan ng golden gate. hahaha.

    sana matapos mo na ang pagku-cutomize ng blog mo. happy holidays.

    • December 19, 2009 at 4:08 pm

      yes sir. yan nga po yung notebook na may golden gate bridge =) … tnx din po for the visit. yaan mo, isang araw matatapos din theme ng blog na ito. dami ko pa nga lang dapat matutunan…

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: