Home > Uncategorized > Perspektiba sa FV

Perspektiba sa FV

Dear Ate Mabz,

Aloha! Busy ang server ng Farmville. Makailang ulit na din akong sumubok mag-harvest kaso palaging sinasabing “Saving your farm.” Anak ng teteng. Nakaka-sampu pa lang akong plot e refresh na naman ang gusto. Ilang beses na akong nag-restart ng PC. Sa totoo lang, napipikon na ako. Bukas na lamang kung hindi pa tuyo ang mga itinanim ko.

Ilan ba ang kakilala mong adik sa FV? Ako, madami. Kaya nga ako na-engganyong laruin ito kasi halos lahat at ng mga kamag-anak kong OL e may account dito. Yung mga kabarkada ko nga e natatawa. Mafia, Castle Age at Vampire Wars kasi ang trip nila. Kaya kapag tumatambay ako sa shop ng kaibigan namin, inuunahan ko na sila.

“Farmville na ngayon ang laro ng mga tunay na lalake,” sasabihin ko sa kanila, sabay bukas ng app. Syempre tatawa sila.

“Sige nga, makipag-kwentuhan kayo sa chikababe tungkol sa Poker at Mafia nyo. Tingnan ko lang kung sinong mas cute sa atin.” Tatawa uli sila

“Libreng suntok sa nguso kapag nalaman kong may Farmville din kayo ha! Kahit level 1 pa lang!” pananakot ko naman. Aba, biglang natahimik ang mga loka, sabay turuan sa isa’t-isa.

Natatandaan ko tuloy yung The Sims. Hindi ko yun paborito pero gustong-gusto ko yung aayusin ang bahay. Tipong arkitekto at interior designer na din ba. Ita-type ko yung “klaupacius” ng paulit-ulit at dadami na ang pera ko. Yehey! Pwede na akong mag-design. Pagkatapos magawa ang bahay at mailagay ang mga furnitures dito, save ko lang then tapos na ang laro ko. Ganoon din ang trip ko sa FV. Ipon ng pera nang may pambili ng Villa. Mga level 35 e aayaw na ako. Farmtown naman hehehehe.

Sabi nila, ang virtual reality daw ay ekstensyon ng tunay na buhay. Sa pamamagitan nito, nakakapag-interact tayo hindi lamang sa software kundi ganoon na din sa iba’t-ibang mga taong gumagamit nito. Parang pelikula, hango sa tunay na buhay. Pero dito, ikaw ang bida. Syempre, ikaw din kasi ang direktor, prodyuser, make-up artist, camera man at iba pa.

Saan ko nga ba nabasa yung ang sentro daw ng kalawakan ay “ikaw” mismo? Sa paningin kasi ng tao, hindi sa araw kundi sa kanya umiikot ang mundo. Totoo naman kasi na lahat ng bagay na nasa paligid mo ay base lamang sa personal mong perspektiba.

Perspektiba – yun siguro ang kaibahan o uniqueness natin sa bawat “matter” na nag-e-exist. Kunin at hugutin mo nga ang dila ng katabi mo at subukan mo: Baka ang lasa ng pritong manok para sa kanya e lasang sunog na pritong baboy para naman sa yo. Yun na nga lang, imposible natin itong malaman. Ang sigurado lang ako, magkapareho man tayo ng perspektiba, nagkakaiba pa rin tayo sa sidhi ng paniniwala, pandama o pagtingin dito.

Hayayay! Yan, sumagi na naman tuloy sa isip ko si EX. Siya kasi yung kauna-unahang kakilala ko na na-adik sa Farmville. Ang unang letra ng pangalan nya ay “L” so idugtong na lang natin yung EX at itago na lang natin sya sa pangalang “Lex.” Parang Lex Luthor ah, mortal na kaaway ni Superman. Pero Lex Luthor naman talaga sya ng buhay ko. Para kasi syang may dalang kryptonite kapag naaalala ko sya – nanghihina ako. Lalo na yung mga panahon na sweet pa kami. Ako pa naman e Superman on the outside, pero Carebear on the inside kapag nagmahal.

Pinag-awayan na nga namin yang FV kasi minsan, namuti na ang mata ko e nagpa-farmville lang pala. Nagha-harvest daw kasi sya at nakalimutan nya ang telepono sa kwarto. Nag-war kami noon. Pakiramdam ko ipinagpalit nya ako sa isang laro. Misunderstanding ba. Siguro, isa rin ito sa mga dahilan kung bakit nag-break kami. Ako pa naman na adik sa DOTA ang hindi nakaintindi sa nicotine at caffeine na dulot ng mga computer games.

So yun, ngayon, naiintindihan ko na sya kung bakit sya adik sa FV katulad ko. Kaso tumigil na sya ng paglalaro nito.

Ngayon, alam ko na yung kelangan mong magtakda ng oras para mag-harvest kasi sayang yung oras na ginugol mo sa pagtatanim.

Ngayon, naaalala ko tuloy sya…

Ngayon na nga lang, pagdating sa nararamdaman, magkaiba na kami ng perspektiba. Ramdam ko na wala na talaga.

Lintek na FV yan at ayaw pa ding magbukas!

Sumasainyo,
Bitter Ocampo

Advertisements
  1. |nday
    December 23, 2009 at 4:25 pm

    koya bitter maligayang pasko,saka na kita babatiin ng manigong bagong taon,malayo pa nman. koya bitter baka gus2 mo ako i add para friends tau,,hehe,send kna rin ng gift.. ;D pamasko mo na sa kin… pis! 😀

  2. April 2, 2010 at 4:06 am

    di ako mahilig maglaro sa kahit anong computer games..,kaya wala akong koment sa kung gaano kabilis ang reflex ko dun.. hmmm.. pero labibabs mo pa rin si LEX?.. oy..si kuya…, ayihh..

    sa sarili natin nakasentro lahat ng forces ng mundo.. gaano man kaliit o kalaki ng inaakala nating tayo.. nasa iyo lahat ng desisyon kung anong choice ang makakapagpabago sa perpective mo sa mundo.. =)

    *sa susunod try ko mafia wars.., tatalunin ko ex ko.. nyahaah!!

    • April 2, 2010 at 7:38 am

      salamat po poet lee mi sa iyong pagdaan.

      ganda talaga ng lips mo. sana lips ka na lang hehehe joke joke.

      isusulat ko po siguro sa isang araw kung ano pa nararamdaman ko kay Lex.

      buddhist ka ba? ingat po palagi.

      • April 12, 2010 at 5:43 am

        Katoliko Romano po..

        **sana’y lips na nga lang..nyahah..

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: