Home > Uncategorized > Alak at musika

Alak at musika

Dear Ate Mabz,
Huli man ang pagbati ko e tanggapin mo na rin. Ganoon na rin po sa mga paminsan-minsan ay napapadaan sa pahinang ito. Maligayang Pasko sa inyo at Manigong Bagong Taon!

Naging mahaba ang holiday ko. Kahapon nga, sinabi ko sa kaibigan ko na kailangan ko na nang bakasyon sa aking Christmas vacation. Paano ba naman, halos araw-araw ay may nagyayaya ng inuman.

Noong una, ang hirap tumanggi. Minsan lang kasi magkita-kita ang mga barkada. Pero nitong mga nagdaang araw, mas masarap pang manood na lang ng mga piniratang DVD. Iwas tawag sa “uwak” at sakit ng ulo sa umaga.

Hindi naman ako malakas mag-inom. Tama lang… yung tipong hindi titigil nang walang tama. Ilabas na ang Matador, lambanog o San Mig Light. Wag Red Horse ha. Naninipa ang kumag na yun oras na tumayo ka. Kailangang may “paa” pa ring pangkaladkad para makapag-mami o makapag-lugaw doon sa may plaza.

Alam mo, napapansin ko na sa tuwing magsusulat ako sa yo, hindi ko naiiwasang mag-senti. Kunsabagay, isa naman talaga sa dahilan kung bakit ko pinursige itong blagabag na ito ay upang makapaglabas ng mga nakatagong hinaing sa buhay. Sekondarya na lang ang pagpapa-kyut.

Isa pa sigurong dahilan ay yung ugali ko na tuwing magsusulat, kailangang may musikang nakatutok sa aking tenga. Ngayon, emo ang aking napagti-tripan; awit ni Chase Coy na Lullaby, Take Me Away at saka Never Change, saka yung sa Bright Eyes na First Day of My Life. Paulit-ulit yun ha. Mamaya, baka saulo ko na ang mga awiting eto. Mamaya, kakanta na din ako at baka yung lyrics na ang maisulat ko.

Ang galing din ng nakaimbento ng musika ano? Biruin mo, sa dinami-dami ng mga awitin sa buong mundo, patuloy pa rin ang ang mga kompositor sa paglalabas ng panibagong mga obra. At higit pa sa sigurado, may awit doon na sa tingin mo ay nababagay sa yo.

Kaya nga importante sa ating mga Pilipino ang may theme song lalo na sa magkasintahan. Imortal na nga sina Rey Valera, Vehnee Saturno, Levi Celerio at iba pa. Niyakap na rin natin sina Lionel Richie, Kenny Rogers, Air Supply at napakarami pang iba. Kayo, ano ang theme song ninyo?

Pero hindi raw naimbento ang musika ayon sa Wikimedia. Ito daw ay nadiskubre ng mga sinaunang tao. Ayon pa sa nabasa ko, masyado itong subhetiba. Kahit tinig ng palaka sa gabing tahimik ay maituturing na musika, o ang pagdaloy ng ilog sa mga bukirin habang ikaw ay nagka-kamping.

Kahit ang paghagok ng iyong asawa ay isa ring awitin. Pati halakhak nya na labas na ang bituka at balunbalunan, pag-utot, paghampas sa yong braso kapag sobra syang excited, o yung simpleng pagsigaw ng nanay mo kapag pinauuwi ka na. Lahat ito ay musika kasi mahalaga sila sa atin. Totoo naman kasi na kapag hindi ka nakaka-relate sa isang awitin, ingay lamang itong maituturing.

Kaya nga nakakatuwa tayong mga Pinoyski. Kasi, madalas, pinaghahalo natin ang dalawang ito. Ang musika at alak ay parang sina Guy at Pip; si Juday at Ryan; o si Angel Locsin at ako. Para bang hindi kumpleto ang isa kapag wala yung ka-partner nya.

Lahat naman siguro tayo ay may karanasan na mag-inom at kumanta. Sikat ang videoke, mga banda sa “bar,” o kaya yung tambay na may gitarang hawak. Basta may tugtugin kahit paano sa background. Kinukumpleto ng musika ang “drinking experience.” Isa itong masarap na pulutan; mood-setter at pang-engganyo para lumaklak pa tayo.


Kahit nag-iisa.

Pero ang alak daw ay ginagamit upang makalimot.

At ang musika ay tinutugtog upang makaalala.

Sa paghahalo nitong dalawa, kontra hindi ba?

Binuksan at naubos ko na nga pala yung dalawang Red Horse sa ref. May natira pa kasi na binili ng kapatid ko.

Sa FB (ngayon lang), nag-add ako ng babaeng hindi kakilala. Kanina OL sya. Comment ko “Tnx 4 d add.”

Sabi nya, “No prob. Cno ka nga?”

Sagot ko, “Nde mo ako kakilala. Gus2 ko lng po na at least may makita ako sa Wall ko na maganda.”

May tama na siguro ako o nadala lamang ng musika.

Nakainom,
Bitter Ocampo

Advertisements
  1. April 2, 2010 at 12:14 pm

    ang sad ng buong pagbabasa ko hanggang kay ‘Angel Locsin at Ako’.., =)

    bakit nga okay ang inuman pag may musika?.. at kahit gaano kalakas ang tibay ng mukha na wala sa tonong kakanta pa rin.., eh mano ba.. kahit walang kainuman.., isang boteng SML o redhorse o kahit tuba.., basta may senti mode.., okay na ang pulutan..

    ang lungkot pa rin ng tema..kay may bago kang estranherong maganda kaibigan..=)

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: