Home > Uncategorized > R U SURE U WNT 2 DEL ALL MSGS?

R U SURE U WNT 2 DEL ALL MSGS?

Dear Ate Mabz,

Magandang araw! Matagal-tagal ding panahon bago ako nakapagsulat sa yo ah. Alam mo na, medyo abala sa paghahanap ng raket.

Kumusta naman ang mga hinagpis mo sa puso? Yung mga mala-Judy Ann Santos mong tele-novela? Normal lang yan. Ang drama daw kasi e parte na ng buhay. Tingnan mo ako, single pero hindi masasabing kumpletong masaya. Syempre palagi namang may kulang. Nabiyayaan man ako ng kakisigan o simpleng kapal ng mukha, may panahon pa din na naghahanap ako ng balikat na madadantayan.

Ilang araw na din akong puyat at tila naghuhukay ng oras tuwing gabi. Kung bakit naman kasi mas masarap magtambay kung kalian madilim na. Sabi mo nga, para na tuloy akong bampira. Pero correction please, mas lamang ako sa paligo kay Edward ng Twilight kasi hindi naman talaga naliligo sina Drakula.

Alam mo, ilang araw na din akong nagbabalak na manood ng pelikula. Maganda daw yung Avatar at inaabangan ko din yung Legion. Medyo nadismaya ako sa “2012.” Noong Christmas vacation, nadamay ako sa panonood ng aking nanay ng halikan ni Pareng Lloyd at Kumareng Lucky. Kasama pa ang sikat na artista mula sa mayamang angkan na “V.” Sino pa e di si Ate Vi. Biruin mo, sikat talaga pamilya nila. Nadyan si Michael V., Gary V., at ang paborito ng mga bata, si Jolly V.

Nung isang araw, habang nagbubura ako ng mga mensahe sa aking modelong 3310, nabasa ko na may ilan pa pala akong txts na itinatago. Napangiti lang ako kasi tanda ko pa noon (at malamang marami pa rin ang gumagawa ngayon), dahil limitado ang memorya ng mga cellphone or trip lang, isinusulat nung iba sa isang notebook yung may magagandang mga mensahe. Gawaing high school daw yun pero wag ka, may kilala akong post-graduate na e nangongolekta pa ng ganun.

Pero madami ka din namang matutunan sa SMS. Nariyan yung pagtitipid para bukas may pang-unli ka. Nariyan yung pagtatago ng cell at baka mabasa ng iba. At nariyan din yung kunwari wrong send, pero dun naman sa taong yun talaga ipinadala.

May mga mensahe din na bukod sa maganda e nakakatuwa pa. Katulad ng:

“Kng ti2ngnan nga nman, lhat tau gus2ng mapunta sa langit… pro wlang gus2ng mauna.”

“Wag kng matakot na nde maayos ang lhat ng gulo sa buhay mo… Malay mo, ginugulo lng tlaga pra umayos k.”

“Paano kng tamad na aqng tamarin… e d ang sipag ko na nun… Ayoko nun… Naka2tamad.”

At ang bagay syempre sa ating dalawa, Ate Mabz, “Kung kasalanan man ang maging kaakit-akit, wala na akong lugar sa langit.”

Meron din namang mga text na sinasadya mong itago kasi may sentimental value ika nga. Yung simpleng “Miss u,” “K ingat,” at “Hav fun baby” e hinding-hindi mabura. Maiiksi ang mga ito pero oras na mabasa, bumabaha ng emosyon at alaala.

Kung tutuusin, wala namang reply na maituturing na masakit. Mas mahirap pa nga yung ignore mode ang treatment sa yo. Yung tipong galit ka na o nagmamakaawa na e dedma lang sya. At pagdating naman sa load, aaminin ko ang tipid ko. Wala naman kasing nagtetext gaano lalo na’t may FB, FS, YM, ICQ, email at kung anu-ano pa. At sakop na rin ng mga ito pati ang sa tawag.

Magbubura ako mamaya ng mga mensahe sa aking cell. Madami-dami din yun. Kaya lang naman ako nagtatagal e kasi minsan iniisa-isa ko pa. Sabi nung kakilala ko, sana daw ganun din kadali ang paglimot. Yung tipong are you sure you want to delete messages at pagka-press mo ng yes, poofff, wala na pati alaala. Pero at least makakatulong yun kasi hindi mo na nga mababasa. Wala ka nang babalikan pa.

Sabi nga ni Sylvia Robinson, isang mang-aawit, “Some think it’s holding on that makes one strong; sometimes it’s letting go.” Naka-let go ka na ba? Nakapag-move on ka na ba sa isang maiksing pagkakataon na nagdulot ng sakit mula sa isang tila napakahabang kabanata? Naalala ko tuloy yung kakilala ko. Ayaw na daw niya kasing maging malungkot. Nakakapagod din di ba.

Ako, wag mo na akong tanungin dahil hindi kita kayang sagutin. Ite-text ko na lang sa yo kapag ready na ako.

Hanggang sa susunod,

Bitter Ocampo

Advertisements
Categories: Uncategorized
  1. John Ryan Recabar
    January 26, 2010 at 3:13 am

    ahhh, this is so sweet. i wrote a similar article more than a week ago…

    ang galing mong sumulat, ang daming nakatutuwang detalye.

  2. John Ryan Recabar
    January 26, 2010 at 3:17 am

    “And lastly, those messages from people I used to love. Things may have changed and feelings gone, but it is comforting to be reminded that somebody used to love me, who used to promise to stay forever but realized that forever is only as long as 17 months, or three weeks. The long ones, those that were clearly lies, were trashed.

    But the “I miss yous”, “I love yous”, “Nakakaon ka na?“, “Halong ka ha.” — these will definitely have to remain in my inbox.”

  3. January 26, 2010 at 3:58 am

    sir, salamat po sa kind words. nakaka-boost naman ng confidence lalo na coming from an experienced blogger. Isang araw , gusto ko i-discuss yung the “I” is universal. Alam ko you know what I’m talking about. Tnx tnx

  4. John Ryan Recabar
    January 27, 2010 at 3:19 am

    yeah, i think i know it. hahaha. all the best. i’ll keep on coming back.

  5. inday
    February 3, 2010 at 5:34 pm

    hay koya bitter ok lang khit d mo aminin na kilala kita,,hehe,pero gusto ko sana mag advertise d2:

    WANTED TXTM8:
    txt/ call 09094131434 ^^,)

    nagmamahal ang iyong tagahanga,
    inday pa rin (:

  6. March 25, 2010 at 9:13 am

    Natawa ako sa name mo. 🙂

    And I like the way you write. Medyo flippant, pero meron palang deeper meaning. 🙂 I like.

  7. April 2, 2010 at 12:39 pm

    ‘have fun baby’…
    ang lungkot na wala pang nagtext sa kin nun, ilang panahon na rin malungkot at gustong lumimot, ngunit laging bumabalik ang alaala madelete man ang txt..,
    isang araw alam kong darating ulet ang isa pang pagkakataong may isang taon darating, ngunit sana hindi na sya ang dahilan kung bakit magdedelete ka na naman…

  8. October 8, 2010 at 12:44 pm

    nakakatuwa naman same tayo ng style ng pagba-blog.. mas nauna ka nga lang saken sempre.. hehe

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: