Home > Uncategorized > Alone again, naturally

Alone again, naturally

Dear Ate Mabz,

Marahil ay nagtataka ka dahil sa matagal-tagal ding panahon, ngayon lamang ako muling sumulat sa yo. Sinadya ko po yun. Hindi naman talaga masasabing super busy ako at madami-dami din naman akong free time na maituturing. Katulad kagabi, alas-dos na ako natulog kasi nanood pa ako ng “No Country for Old Men” at Season 12 ng “The Simpsons.” Iniiwasan ko lamang sigurong mag-drama. Sa ngayon kasi, dahil halos wala pa din namang nagbabago sa aking buhay – single pa din ako at lalo pa ngang naging mas cute – halos ganoon pa din ang aking naisusulat.

Kunsabagay, yun naman talaga ang ating pinag-usapan di ba? Yung tipong kapag masyado nang mabigat ang stress sa ating buhay, mas mabuti nang magsulat ka sa blog kesa mahuli ka ng kapit-bahay mong nagsasalitang mag-isa, o kaya ay tumatawa.

Naalala ko tuloy yung format ngayon ng mga radio programs. Ganoong-ganoon di ba. Magpapatugtog ng love song para mapaiyak ka. Pagkatapos, papasok ang pre-recorded na joke time at mapipilitan kang tumawa. Sabay pasok ng DJ na mang-ookray sa may problemang caller. Nakakaloka. Kaya hindi na ako nakikinig ng radyo eh. Kelangan pa bang i-memorize yan? May ganown! EEEnergy…

Saka mas okay na eto kesa dun sa ipinayo ko sa yo nung may problema ka. Di ba sabi ko magkulong ka na lang sa kwarto: patay ang ilaw, nakikinig sa mga love songs at may matalas na blade sa tabi. Hehehehe! Ganun talaga ang buhay, parang life. Kung maaari nga lang magpakamatay tapos alam mong ikaw ay muling mabubuhay, madami na siguro ang nagpatiwakal.

Hayz! Umuugong ngayon sa tenga ko ang rendition ni Vonda Shepard ng Alone Again (Naturally). Sa totoo lang, hindi dapat ako nakikinig sa mga awiting katulad nito. Alone na nga e naturally pa. Pero nasa isip ko naman e ayus lang na paminsan-minsan e mag-senti din naman ako para maramdaman ko na isa pa din pala akong tao.

Bakit kaya yung iba ang dali-dali para sa kanila ang mag-move on? Bakit kaya napakadali sa kanilang ipakita na bale-wala lamang ang mga nangyari? Pusong mamon lang siguro talaga tayo. O kaya naman, baka ayaw lamang nilang ipakita na nasasaktan din sila, na nagdurusa din sila, o nagsasawa na din sila sa kaka-drama.

ASA! Asosasyon ng mga Sawing Akala e minahal sila.

Alam mo ba na ayon sa files ko, pang-walo na dapat itong entry o liham ko para sa yo. Yung iba, hindi ko naman binura. Mas pinili ko lamang na huwag ipabasa. Lumipas nga ang Valentine’s Day na kunwari ako lamang ay deadma. Walang date, walang gastos, walang hassle, walang niregaluhan, walang kahawak-kamay. Natural, alone again.

Ipinaliwanag ko lang naman sa entry kong yun kung ano ba ang pag-ibig para sa akin. Hindi ko alam kung sasang-ayon ka pero para sa akin kasi, ang pag-ibig ay isang tahanang uuwian. Yes. Yung tipo bang kapag pagod ka na sa pakikihamok sa mapaglarong mundo at malupit na reyalidad ng buhay, sya yung tipong pwede mong uwian. Doon, pwede kang mag-recharge, ipakita ang iyong takot, isaboses ang iyong agam-agam at iba pa. Pwede mong tanggalin ang iyong helmet o maskara at ibaba ang iyong depensa. Kapag kasi sumabak na naman sa digmaan ng pang araw-araw na buhay, kelangan mo na namang maging matibay. Career wise, alam naman nating kailangan e matapang ka. Sa pag-ibig dapat ganoon din ba?

Alam mo ba ipinaliwanag ko na kay Ex yun. Hindi ko alam kung kanyang naintindihan o nakita nya lamang yun bilang aking kahinaan. Kung anuman. Payuhan mo na lang ako kung mali ang pagtingin ko sa mga bagay na ito. Ano ba para sa yo ang pag-ibig? At para naman sa mga taong hindi pinag-isipan ang depinisyon nito, eto ang tanong ko: Alam mo ba kung ano ang pag-ibig?

Naglilinis ako ngayon ng kwarto. Uunahin ko sa maliit na espasyong ito ang konsepto ng pag-move on. Hoy! Hindi lang naman ako ngayon maglilinis ng kwarto ha. Symbolical gesture lamang ito. Kanina nga, tuluyan ko nang binura ang number nya sa cellphone ko. Ang mali ko lamang, binasa ko muna messages niya bago ko ito tuluyang binura. Kaya eto, sa halip na tapos na ako, nagtititipa na naman ako at sumusulat sa yo.

Alam ko naka-move on na sya. Siya yung tipo ng babae na mas mataas ang utak kesa sa puso. Siya yung tipo na mas mataas ang pangarap kesa sa kanyang kakayanan. Ako naman daw yung may potensyal na ayaw gumalaw. Ano ang gagawin ko? Simple lang akong tao at simple lamang din ang mga pangarap ko. Syempre may pangarap din ako pero kahit wala pa akong sariling pamilya, alam ko na sila na ang mas prayoridad ko.

Hayayay! Kahit pala super compatible kayo at hindi naman “handa” ang isa, wala ding mangyayari. Magkaiba kasi ang direksyong gusto nyong patunguhan. Sabi nga ng kaibigan ko, trial and error daw ang pakikipag-relasyon. E di error na nga ang nangyari.

At least… umibig ako.

Makapaglinis na nga lang uli ng kwarto.

Salamat,

Bitter Ocampo

Advertisements
Categories: Uncategorized
  1. March 30, 2010 at 8:01 am

    Gusto kita. Ba’t walang tao rito, feeling ko, you’ll fall right in with the people in my blog. 🙂 Heheh. I like your ideas and you make me laugh!

    • April 2, 2010 at 7:42 am

      tnx slave boi.
      mapapadalas bisita ko sa blog mo.
      nakakataba naman ng puso ang comment mo.

  2. March 30, 2010 at 8:39 am

    ah… ito pala ang bahay mo… pwede ba tumambay dito?

    • April 2, 2010 at 7:43 am

      pwede po ate yhen…
      patambay din sa bahay mo ha

  3. March 30, 2010 at 2:16 pm

    hello… dumaan ako dito kasi napadaan ka rin sa munting kubo ko…

  4. April 2, 2010 at 7:44 am

    salamat missbroken
    ganda nga ng kubo mo, parang mansyon 🙂

    • April 6, 2010 at 11:10 pm

      jejeje.. salamat….. pwede exchage links tayo? add na kita sa blog roll ko.. para madami na kayo dun….

  5. April 2, 2010 at 1:06 pm

    malapit na naman ang beerday ko at alone na namang magcecelebrate sa isang sinehang walang kahawak kamay, walang kaakbay, at mag isang kakain ng tokneneng at fishball sa kanto, kung akala mong ikaw lang ang mag isa sa mundo.., baka magkaiba ang mundong kinaruroonan natin.., pero ginawa na rin kitang kapitbahay.. sa susunod sana masaya na ang post natin..=)

  6. April 10, 2010 at 5:33 am

    hahaha. padaan-daan lang ako. ang tagal mo namang hindi nakapag-post.

  7. April 25, 2010 at 6:25 am

    kasalukuyan akong dinadale ng kalungkutan ko gawa ng pag-iisa hanggang sa nakita ko ang isinulat mo, naaliw ako. ASA, myembro ako nun hehehe.

  8. |nday
    February 13, 2011 at 7:39 am

    tao po! tagal ko na ditong d nabisita ahh…pwedeng tulungan nlang kitang maglinis,,hahaysss dmo pa rin nkakalimutan si Ex,,,my Y at Z pa nman ahhh.. 😉

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: